Naka-feature na Post

Dreaming of Closed Doors

Martes, Setyembre 5, 2017

Dreaming of Closed Doors

Dreaming of Closed Doors
Written by: Ellie Cee (Lady Atlas)





My smile faded as that strong door closed on me. My heart started to beat erratically, banging my ribcage like what I was doing with the door. He just sighed behind me and felt he moved away and sat somewhere in the room where we are trapped.

"Stop it. It's useless anyway," he uttered.

I stopped the banging and turned to him vehemently, "I hate you!" I tried very hard not to shed a tear and harshly dragged myself to sit on the cold floor. My breathing a bit heavy and trembling.

I have felt this fear before when I was a little kid and it almost killed me. I felt that the air had stopped supplying me. My throat was clogged; my lungs were locked. The last thing I knew was that I was shaking and crying on the floor when he suddenly approached me.

His eyes was in panic and I can see worry in it, too. He managed to hold onto me and made me sit still. I continued to whimp, my tears dripping on my cheeks but he wiped it for me.

"Damn it, Julia! Get a hold of yourself," he snapped. He was panicking. For a minute I knew he was regretful of forgetting about my claustrophobia and how it was fatal for me to be in a closed room without an open space or outlet.

I continued crying and putting my both hands on my ears when he suddenly pulled me in his arms. It was like a slight suicide that my heart had stopped beating for about four seconds, then it had pumped enough blood again.

"I'm so sorry for dragging you in here, Julia. I should've known they will give us this prank, I would've prevented this from happening.

"I still feel the same way for you. I'm sorry for pushing you away. I felt crazy when I felt you never cared anymore. I was jealous of Mike when you embraced him that night. I thought we will be okay, but I was wrong. I was so confident that you will still be there when I'm ready. I was so jealous it made me think of putting up a fight with him," Derrick explained.

"Derrick..."

"But right now, I just want you to know how I really feel about you up until now. I've been attached to you for so long, Julia. I already knew at that time that I am starting to like you. I really like you, Julia." He said emotionally. It was the Derrick I never saw. The one that I never have wished to see in many lifetimes.

The Derrick who is crying because of me.

I hurriedly looked at him and wiped his tears, "Stop! Haven't I told you before that I don't want to see you cry, not even a million times?"

He smiled dryly and shove my hair away from my face, "I love you, Julia... I really do. I can take anything for doing this, even if you can't take me anymore. I'm not giving up." He hugged me again and kissed my forehead.

All the misery and loneliness were gone before me. This man painted a smile on my face.

And right when I was about to reply my answer, my eyes opened up and saw the bright light coming from our window. The ceiling fan tirelessly twirling and I was on my bed, as usual, dripping in tears.

How could I ever be really happy? Of course, Derrick will never love me back.

He will never come back.

And I should accept that.



~End~

Thanks for reading guys! Please like and share!

Miyerkules, Marso 1, 2017

Makabagbag Damdaming Mga Kuwento 2017

Maligayang Pagbabasa!

Magandang araw!
Maraming salamat sa iyong pagbabasa nitong rebyu. Ang mga manunulat na nakalagay rito ay lugod na nagpapasalamat sa iyong pagsuporta sa kanila.
Isa ka ba sa mga manunulat na nais mapansin ang iyong gawa at makaani ng maraming boto at komento? Narito ka sa tamang rebyu!
Paalala lamang sa mga mambabasa na ang mga opinyon at saloobin na nakapaloob sa rebyu na ito ay pawang gawa lamang ng may akda na si Lady Atlas. Anuman ang lumabas rito ay walang kinalaman sa mga manunulat na nakalathala rito at lalong walang sapilitang nangyari sa pagitan nila. Kung may mga komentong hindi kaaya-aya o nakakabastos ay mangyari lamang ipagbigay alam sa account na ito @ladyatlas sa Wattpad para sa mga karagdagang impormas'yon at aks'yon.
Kung ikaw ay interesado ay mag-iwan lamang ng komento!
Maraming salamat!


















Submission Form

Paraan ng Pagsali:
*Ilagay lamang sa tags ang #MDMK2017 sa inyong story at paniguradong mailalagay sa listahan ng mairerebyu namin.
*Ilagay sa inyong Reading List o sa Private Library ang Makabagbag Damdaming Mga Kuwento 2017. Para sa mga "updates and news".
*I-follow ang account na ito @ladyatlas para sa siguradong pagrerebyu.
*I-add sa inyong Reading List ang mga istorya na nai-feature na rito sa MDMK 2017.
*I-mention sa comment ang mga followers n'yo na interesado na mairebyu ang kanilang mga gawa.
*optional: Mag-like at mag-comment sa mga istoryang nagawa ni Lady Atlas:
                       a. The Runaway and The Chaser (KenBie)
                       b. Hoy Mr. Inspired! (Completed)
                        c. My Little Pen Diary
                        d. The Remnant Army
                        e. Dear Diary (Short Story)
                        f. Si Nita at Ang Plato (Isang Monologo)


Para sa mga Manunulat na nai-feature rito sa MDMK 2017, upang dumami ang inyong mga mambabasa ay i-mention ninyo ang inyong mga followers sa part kung saan nakalagay ang inyong mga istorya at mag-promote. Hindi ko kayo pipilitin na gawin ito ngunit sa isang banda ay inyo na itong obligasyon kung kayo ay nais makaani ng mas maraming mambabasa at tagatangkilik. Inaanyayahan ko kayo na mag-promote rito at maging palakaibigan sa inyong mga mambabasa.

Para sa mga Mambabasa, kung kayo ay nalulungkot na kayo ay natatabunan ng mga papasikat na mga manunulat ay d'yan kayo nagkakamali. Magbibigay ako ng partikular na parangal sa mga mambabasa na aktibo sa pagbabasa, pagboto at pag-iiwan ng komento sa inyong mga tinatangkilik na mga manunulat. Maaari kayong maglagay ng #MDMKreader sa inyong mismong profile description. Ang inyong credits ay malalaman sa mga susunod na bahagi ng rebyu na ito.

Sa mga nais maging isang "Reviewer" ng mga istorya rito sa MDMK 2017 ay mangyari lamang na bigyan ako ng isang magalang na pribadong mensahe para sa "application". Kung ikaw ay nakapasa bilang isang rebyuwer, ikaw ay bibigyan ng kapangyarihan na makapag-rebyu sa mga istorya na maibigan naming ipasa sa iyo o maaaring magsuhestiyon sa amin ng anumang istorya na iyong maibigan. Ang inyong rebyu piece ay ipapasa sa pamamagitan ng Gmail Account na iamelocincidiac(a)gmail.com. Ako pa rin ang maglalathala nito ngunit ang pangalan ng rebyuwer ay nakapangalan sa iyo. Karagdagang impormasyon: kung kayo ay nakapasa na sa aplikasyon ay iniengganyo namin kayo na ilagay sa inyong profile description ang #MDMKreviewer upang malaman ang inyong pagganap sa ating taunang MDMK.

Para sa ibang katanungan ay mangyari lamang na magkomento sa ibaba. Maraming salamat!



Ano pang hinihintay mo? Comment down!

















Mga Istorya na Maaaring Isumite

*Action
*Adventure
*ChickLit
*Classics
*FanFiction
*Fantasy
*General Fiction
*Historical Fiction
*Horror
*Humor
*Mystery/Thriller
*Non-Fiction
*Paranormal
*Poetry
*Random
*Romance
*Science Fiction
*Short Story
*Spiritual
*Teen Fiction
*Vampire
*Werewolf




*Mature contents: Walang problema sa ganito as long as hindi ang mismong buong bed scene ang ilalagay. Paalala lamang na maraming  minors rito na mambabasa.















MDMK Library

Hello! Magandang araw na naman sa iyo.
Ito po ang MDMK Library, kung saan ay makikita ninyo ang istorya na kasalukuyan kong binabasa at nirerebyu.


Official MDMK 2017 Library
1st Installed Book
February 25, 2017 "The Riddle Diary" na isinulat ni mabellion
February 25, 2017 "The Riddle Diary" na isinulat ni mabellion
2nd Installed Book
February 27, 2017 "Forbidden Love" na isinulat ni myljeilapad
3rd Installed BookMarch 1, 2017 "Lucid Dream" na isinulat ni alyloony
3rd Installed Book
March 1, 2017 "Lucid Dream" na isinulat ni alyloony
4th Installed BookMarch 1, 2017 "The Life of Alexandrea Amanda Majah" na isinulat ni @Desubikyo
4th Installed Book
March 1, 2017 "The Life of Alexandrea Amanda Majah" na isinulat ni @Desubikyo 
4th Installed BookMarch 1, 2017 "The Life of Alexandrea Amanda Majah" na isinulat ni @Desubikyo

Abangan ang susunod na istorya na ifi-feauture rito sa MDMK!





MDMK- "The Riddle Diary"

Author: mabellion
Mabellion's "The Riddle Diary"   
Mabellion's "The Riddle Diary"
Nirebyu ni: Lady Atlas
Date: February 25, 2017
Status ng istorya: Kasalukuyang sinusulat.
Genre: Mystery/Thriller/Horror
Interesting subjects: Class, Occult, Diary, Riddle, Serial Killings, Death, Investigation
Last Chapter: 17
Summary:
Sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay maraming namamatay sa paligid nila Lorelei at Jerome. Lahat may tatak na kakaiba sa mga bangkay na natatagpuan. Hindi maintindihan ni Lorelei ang dahilan ng lahat ng ito at kung bakit niya kasama ang napaka-misteryosong si Death Morgenstern.
Isang walang laman na diary ang nagpabago sa lahat, ang mga bugtong nito, ang misteryosong katauhan ni J.R.C. at ang mga kultong pumapatay.
Halos mabaliw na siya sa pagtukoy kung sino ang totoong pumapatay. Walang mapagkakatiwalaan sa kanila. Lahat sila may kakayahang saktan siya.
Hanggang saan niya kakayanin ang paglutas at pagpapatigil sa mga serial killings na ito?
mabellion: Synopsis ko lang iyan dito sa rebyu ko dito sa istorya mo at wala akong intensyon na baguhin iyan. Salamat!
Mga Tauhan:
The Courageous Character: Miss Lorelei Gray.
Matapang. Siya ang tipo na walang inuurungan. Maalalahanin at palakaibigan siya. Madaling atakihin ng kuryusidad at kung hindi pa naaabutan nina Death at Jerome ay baka palaging napapahamak. Sa klase ay madalas siyang late.
The Mysterious Character: Death Morgenstern
Misteryoso, tahimik at minsan mayabang. Pero kay Jerome at kay Lorelei lang siya outspoken sa pagyayabang niya. Affectionate naman siya minsan pero hindi niya iyon pinaparamdam. Sikat siya sa eskwelahan at pinipilahan ng mga kababaihan. May abilidad na makarinig ng mga bulong at makatagpo ng patay na katawan. Claustrophobic siya, ayon sa recent chapter na nabasa ko, pero hanging pa ang totoong dahilan niyon.
The Outspoken/Overdramatic Geek Character: Jerome Larchin
Weirdo. Geek. Over reacting. Outspoken. Duwag. Nega palagi. Matalino. Pero kalaunan ay lalabas ang kanyang pagiging protective pagdating kay Lorelei. Palagi silang nag-aaway ni Death. Pero sa istoryang ito ay napakaimportante ng role niya rito.
Ano ang kaabang-abang dito sa istorya ni Mabellion?
Aba marami! Nakakahindik ang kuwento at napakaganda ng pagkakakuwento ng manunulat sa TRD. Mahilig sa cliffhanger ang author at talagang kakapananabikan mo ang bawat chapter!
So far, para sa akin ay orihinal ang plot ng istorya niya at walang pinaggayahan na istorya. Sa aking opinyon lang naman. At isa pa, mahilig sa flowering ang author sa pagkukuwento niya sa mga pangyayari sa kuwento. Kaya mas magiging vivid ang imagination mo sa anong setting ng istorya at kung anong hitsura ng mga tauhan sa kuwento.
Bilib ako sa paraan ng pagsusulat niya at mukhang inspired siya sa mga author na sumulat ng The Vampire Diaries at ng iba pang mga thriller na genre stories.
May mga mali ba sa gawa niya?
Of course, wala naman yatang istorya na perpekto. Marami pa ring loopholes sa istorya niya tulad ng mga grammatical errors, at mga characters na hindi na-bigyan ng justice masyado. Sometimes, I think nagiging anime na siya kung babasahin mo. Pero minsan naman nagiging realistic siya. Bilang isang Catholic ay medyo naba-bother ako sa demonic rituals at kung anu-ano pa d'yan. Pero kung lalagyan ng mas magandang twist ang storya niya ay talagang matutuwa ako. Yung tipong may exorcism at pari. Good vs evil dapat ang makikita natin sa hulihan ng storya at mananaig always ang kabutihan. Hahaha. Depende na iyon kay awtor. Basta, konting edit lang iyan at maganda na siya.
May posibilidad ba na ito'y mailathala bilang isang tunay na libro?
Of course! Malaki ang future ng storya na ito at dapat talagang mangarap ang author ng ganoon dahil sayang naman ang kanyang talent sa pagsusulat kung hanggang sa Wattpad lang ito. Hahaha. Totoo. Talagang nae-excite ako magpahanggang ngayon sa kung anong mangyayari sa storya niya.
Pabalat ng istorya:
Maganda siya at nakaka engganyo ng mambabasa. Pero lakihan mo ang iyong pangalan sa susunod. Be proud that you are the author of this story! Standard iyon ng Book covers na dapat mas malaki ang iyong pangalan because you are the author. That will make you something.☺
Message to @mabellion:
Salamat sa pagsusulat ng napaka gandang istorya na ginawa mo! Yieeeh! Sana ang rebyu ko ay makatulong para sa lalong pamamayagpag ng istorya mo, although naka thousand reads ka na, hindi dito titigil ang inyong paggiging tanyag. Salamat!
Challenge to Mabellion:
Sana may English Version ka ng storya na ito pero sa Philippines pa rin ang setting para mabasa rin siya ng mga Americans, mahilig kasi sila sa mga Mystery at Fantasy. Sure ako na magiging hit iyan sa kanila!
Salamat. At congratulations dahil ikaw ang pinaka unang MDMK 2017! Muah hugs sa 'yo! Keep writing.












MDMK- "Forbidden Love"

Author: myljeilapad
Author: myljeilapad

2nd MDMK Installed Book
Kiarrapolyn's "Forbidden Love"
Nirebyu ni: Lady Atlas
Date: February 27, 2017
Status ng istorya: Kasalukuyang sinusulat.
Genre: Romance/Humor/Explicit/Slices of life
Interesting subjects: Explicit love, incest love story, Province Love, secret love, silent partners, silent partners
Babala: mayroong mga hindi kaaya-ayang eksena na nakasulat rito at hindi angkop sa mga bata na nasa edad 17 pababa. Kung kaya't huwag ipagpatuloy kung kayo ay mga bata pa. Para ito sa mga open-minded.
Last Chapter: 17
Summary:
Hindi planado ni Zeninia ang maramdaman ang ganitong kakaibang sensas'yon sa tuwing nakakausap niya ang guwapong si Zheikker Florencio. Inamin nito na gusto siya nito sa napakaimposibleng paraan taliwas sa ipinapakita nitong cold treatment sa harap ng maraming tao. Nahulog siya at alam niyang mali, dahil malapit na pinsan niya ang binata.
Ngunit ang puso niya ang nanaig. Sa tuwing hinahalikan siya nito sa kanyang noo at masuyo sa pagsakop sa kanyang mga labi sa tagong lugar kung saan ay walang huhusga sa kanila ay nawawala ang kanyang inhibisiyon sa lahat. Sinakop ng pagmamahal na iyon ang kanyang pang-unawa, kahit pa kasalanan sa mata ng marami at sa Diyos ang pag-iibigan nila.
Ngunit biglang may nagbalik mula sa nakaraan ng binata at botong-boto ang lahat ng mga pinsan niya rito na magkabalikan ang dating naudlot na tambalan.
Makakayanan kaya ni Zeninia ang kakarampot na yakap at sandali nila ni Zheikker, magtitiis sa panlalandi ng ex nito at ipaglalaban o sumuko na lang dahil sa una pa lang ay talo na siya?
myljeilapad be, wala akong intens'yon na baguhin ang synopsis mo. Sarili ko itong pag-unawa. Sana magustuhan mo. Salamat!
Mga Tauhan:
The Beauty Character: Zeninia Fajardo
Maganda, maganda, city girl kung tawagin. Mabait. Mahal ng kanyang mama. Paborito ng mga pinsan at lolo at lola niya. May dugong bisaya. May gusto sa sariling pinsan.
The Hottie/Temptist Character: Zheikker Florencio
Guwapo. Hot. Pinipilahan ng mga kababaihan. Sweet. Numb sa public, masungit kung baga. Kay Zeninia lang siya tumitiklop. Aggressive kung magmahal, at base sa istorya ay siya palagi ang may unang attempt naapagsolo silang dalawa ni Zeninia. May nakaraan siya pero mas matimbang na sa kanya ang kasalukuyan. Head one kung magdesisyon, impulsive kung baga, ayon sa pagkakaintindi ko.
The Past Lover: Connie
Ang ex-girlfriend ni Zheikker. Mabait naman kaso mas matimbang sa kanya ang career kaysa love life. Iniwan niya si Zheikker nang lumipat sila ng Maynila. Handang gawin ang lahat mapasakanya lang muli ang minamahal na binata.
Iba pang mga tauhan na nagpaganda ng kulay ng istorya:
Dion
Jaypee
Vaughn
Khela
Maxine
Drew
Amaya
Ano ang kaabang-abang dito sa istorya ni Kiarrapolyn?
Sobrang dami! Naku, noong nabasa ko nga ito ay halos maubos ko na tissue sa tindahan ng kapitbahay namin kakaiyak eh. Hahaha, joke lang. Paano naman kasi ay talagang apektado ako kasi halos lahat ng mga eksena dito ay naranasan ko na. Aba, nagmahal, naglihim, nasaktan ang peg ng buhay ko kaya talagang saludo ako sa author ng istorya na ito.
Ang mga Visayan Wattpaders ay malayang makakapagbasa nito at ipagbunyi ninyo na nanggagaling sa lahi natin ang ubod ng galing na author niyan na si myljeilapad. Aba, kung alam n'yo lang, proud na proud ako sa ginawa niya dahil may mga Visayan words siyang inilagay at mga lugar na sariling atin!
Kung mapapansin ninyo ay may mature content ito at kinakailangan ng bukas na pang-unawa. Huwag ninyong husgahan ang manunulat nito dahil iyon ay kanyang karapatan dito sa Wattpad. Hahaha.
May mga mali ba sa gawa niya?
Sa palagi kong inuulit, walang perpektong manunulat. Lahat may loopholes kaya naman dito ko itutukoy ang mga ito.
Unang-una, bilang isang Katoliko ay talagang against ako sa explicit na topic na kanyang ginawa pero dahil sa ang ganda ng takbo ng istorya ay patuloy pa rin ako sa pagbabasa. Sinisikap kasi ng manunulat na maging kaaya-aya ito at nagiging tama sa point of view ng karakter niya.
Pangalawa, may mga typos naman at naiintindihan ko iyon dahil Visayan Native ang manunulat at may mangilan-ngilan na mga salita na medyo matigas at medyo malambot, pero maliit na bagay! Konting edit lang iyan at perfect na! Isa pa, marami akong kakilala na Visayan Wattpaders na nagsusulat at talagang nasosorpresa ako pagdating dito kay Kiarrapolyn sa grammar niya at mas maraming tumpak kaysa mali ang nakikita ko.
Pangatlo, may mga eksena na medyo nakukulangan ako sa eksplanasiyon at elaborasyon para mas lalo akong makapag-imagine. Alam mo na, writers do go out from reality sometimes when they feel the story. May mga karakter din na hindi masyadong na-justify. Ang natatandaan ko lang na well-defined characters ay sila Zeninia, Zheikker, at Connie lang. Iyong iba, hindi ako masyado nakumbinsi. Pero konting edit lang iyan, perfect na!
May posibilidad ba na ito'y mailathala bilang isang tunay na libro?
Yes na yes! Aba, bumibenta nga ang mga third party na story, iyong ganito pa kaya? Jusko, sa sobrang pagka-openminded ng mga tao ngayon, hindi na ako magtataka kung ito ay biglang maging best selling na libro. Mas lalo na mas maraming makaka-relate sa istoryang ito. Kaya awtor, update ka na, bes. Hahaha.
Tungkol sa pabalat:
Wala akong problema sa pabalat niya. Maganda naman ito pero medyo bothered lang ako sa font style ng pangalan ng author dahil bukod sa kapareho niya ng kulay ay background at sobrang dikit-dikit ito at hindi na mabasa. Kung interesado siya ay mas maganda na lakihan niya iyon para makita at makilala agad ng mga mambabasa at masasabi nilang, "Wow! Si Kiarrapolyn pala ang gumawa nito!"
Message to myljeilapad:
Bes, sobra akong thankful sa pagiging mabait na manunulat at palagi kang nagre-response sa mga komento ko sa istorya mo. Ganyan ang gusto kong writer! Hindi ka snob at hindi ka mayabang. Update ka na ha? Hahaha. Nae-excite ako sa kasunod ng istorya mo eh. Hehehe. God bless sa iyo at sana maging tanyag ka ng writer in the near future. Muah hugs sa iyo!
Challenge to Kiarrapolyn:
Gumawa ka sana ng Visayan version nito in the near future para maiangat ang mga taga Visayas at Mindanao. *Clap clap kapatid!
Salamat at congratulations dahil ikaw ay ang 2nd MDMK 2017! Sana dahil rito ay makatulong ako sa iyong pinapangarap. Muah hugs!












MDMK- "Lucid Dream"

3rd MDMK Installed Book
Aly Almario's "Lucid Dream"
Nirebyu ni: Lady AtlasDate: March 1, 2017

Nirebyu ni: Lady Atlas
Date: March 1, 2017
Status ng istorya: Isa ng tapusang nobela! Naipalabas na bilang isang libro.
Genre: Romance/Fantasy/Spiritual/Slices of life
Interesting subjects: Lucid Dreaming, Tala, Dream Traveller, Man of your dreams, Paris, Architecture, Paintings
Last Chapter: 20 finished
Ranking: #81 in Fantasy




Summary:
Para kay Angelique ay masaya na siya sa tuwing nakakarating na siya sa kanyang panaginip. Ang mayakap at makapiling ang kanyang matagal nang pinagpapantasiyahan na si Owen. Masaya siya bilang isang Lucid Dreamer at nagagawa niyang matukoy ang realidad sa panaginip at ang makontrol ito ayon sa kanyang gusto. Sa tuwing nais niyang tumakas sa bangungot ng totoong mundo ay ang panaginip niya ang takbuhan.
Hanggang sa magunaw ang lahat ng iyon sa pagsulpot ng makulit na Dream Traveller na si Caleb, isang misteryosong lalaki na hindi kasama sa mga tauhan ng kanyang panaginip at nagagawa nito ang lahat ng nais sa loob ng panaginip niya. Mas lalo siyang nagpupuyos sa galit nang magdesisyon ang lalaki na tumambay sa panaginip niya. Para sa binata ay isa itong matibay na pundasyon ng panaginip. Solidong-solido.
Tiniis ni Angelique ang presensiya ni Caleb, hanggang sa nasanay na siya rito. Kinapapanabikan na niya ang bawat pagtulog upang makasama ito. At higit sa lahat, pinadama nito ang kagandahan ng kanyang realidad. Nagmulat na lang isang araw si Angelique na ang binata ang hinahanap.
Kaso, hindi na p'wedeng manatili sa tabi niya ito habang-buhay sa panaginip. Maglalaho na siya. At kailangan niya itong tanggapin kahit napakasakit.
alyloony: hello po! Wala po akong intensyon na agawin ang inyong gawa. Gumawa lang po ako ng isang rebyu tungkol sa napakaganda ninyong istorya. Sobrang fan n'yo ako at gusto kong i-share sa iba kung gaano ito kaganda! Salamat!
Mga Tauhan:
The Lucid Dreamer: Angelique
Maganda siya. Hindi niya lang halata kasi naging busy siya sa pagtingin ng mga mali at pangit sa buhay niya. Mahilig siya matulog, pramis. Sobrang weird ng scene ng panaginip niya at doon siya humuhugot ng lakas ng loob. Pangarap niya maging isang Architect. Matalino siya. Masipag. Matulungin sa pamilya at maalalahanin. Isa siyang lucid dreamer na may kakayahan na matukoy ang panaginip sa realidad, ang maalala ito, at ang kontrolin ito.




The Dream Traveller: Caleb
Guwapo. Sobra kung makapag-state sa katotohanan na iyon. Humuhugot palagi tungkol sa realidad versus panaginip. Pilyo minsan. Aggressive siya, kasi may isang desisyon siyang ginawa na pinagsisihan niya.Maalalahanin pagdating kay Angelique. Lakwatsero, traveller siya sa panaginip at marami nang napuntahan na iba't ibang panaginip ng iba't ibang tao.




The Reality: Owen
Ang long-time crush ni Angelique na isa sa mga pangunahing tauhan sa sarili niyang panaginip. Mabait, galante, guwapo, gentleman. Basta, ayon pa kay Caleb, masyado siyang PERFECT.

Ano ang kaabang-abang dito sa istorya ni Aly Almario?
Marami. Sobra akong naaantig since day one. Talagang kapag drama ang pag-uusapan ay si Aly na agad naiisipan ko. Ang ganda talaga niyang magsulat lalong-lalo na at first time ko nabasa ang story niya na ito na may twist of fantasy ang genre. Naaaliw ako sa tuwing maiisip ko na sobra yata ang information sa utak niya at sa sobrang dami niyon ay parang nagkalat na apoy bigla ang talento niya sa pagsulat.
Noong binabasa ko ito, nakalimutan ko bigla huminga. Hahaha. Sobra kasi ang intensity ng bawat scene. Para kang dinadala ng manunulat sa dream world. Pinapaniwala ka niya na p'wede kang managinip. Hmmm... Mamaya nga makatulog at nang mapanaginipan ko na si Ian Somerhalder? Hahaha.
Anyways, dapat lang na basahin ninyo ito. Kakaiba ang genre at plot niya. Hindi siya clichè na umaabot hanggang sa pinaka-critical level sa Angat Dam. Kakaiba siya. Kung pangit ang istorya na ito, malamang hindi na ako mag-aaksaya na isulat ito dito. Kaso idol ko talaga ang manunulat ng librong ito kung kaya't walang makakapigil sa akin na ipagyabang ang kanyang galing!








May mga mali ba sa gawa niya?
Nagtanong ako sa sarili ko: isang kilalang author magkakamali? Mga inday, tao lang din siya. Hindi 'yan Diyos. Lahat tayo may mali. Walang perpektong gawa. Sa ibang pananaw ay maaaring wala o merong pagkakamali sa pagkakagawa nito. Pero sa aking pananaw ay ibibigay ko sa inyo ang aking napansin.
Si Aly po since BTCHO ay tinangkilik ko na siya. Halos tinambling ko na ang kilig ko noon sa pagbabasa. Sa soft copy pa ako nagbabasa noon. Wala pa akong Wattpad account. Wala pa akong pakialam sa social media. Tinangkilik ko na si Aly noon.
Nakikita ko ang mga mali niya at ngayong sikat na siya ay natututo siya. Lahat kaya tayo dapat natututo. Kaya nga sobrang saludo ako sa kanya nang mabasa ko ito. Perfect na siya para sa akin. Pangmasa siya kung sumulat. Iyong iba kasi na mga manunulat lalong-lalo na sa mga Pocketbooks Romances ay sobra ang scene. Iyong halos maramdaman mo na ang scene. Iyong exaggerated na kaba. Pero si Aly, naging wholesome lang siya at wala akong balak na mag-request na baguhin niya iyon. Kailangan siya ng mga kabataan na tumatangkilik ng Wattpad stories. Kung kayo ay bata, story ni Aly ang dapat ninyong unahin dahil swak iyan lahat sa inyo. Kikiligin kayo pero at the same time ay ligtas lahat ng virgin ninyong utak. Huwag madaliin ang pag-unlad. Step by step, kung baga.


Tungkol sa pabalat:
Maganda. Bagay na bagay sa title. Nakakaengganyo ng mga bata. Wholesome at conservative.
Message to alyloony:
Ano ba ang masasabi ko sa 'yo? Sobrang galing mo! Bilib ako sa static ng enerhiyang lumalabas sa utak at puso mo. Ramdam ko ang passion mo sa pagsusulat at sa tuwing babasahin ko iyon ay talagang humahanga ako. Feeling ko tuloy totoong mga tao ang mga karakter mo. Iyong tipo na parang naroon ako kasama nila. Effective ka na manunulat at binabati kita sa iyong mga achievements sa buhay. Sana ay ipagpatuloy mo lang ang iyong pangarap at passion sa pagsusulat. Hindi man kita personal na kilala pero sana ay kapag nakita kita ay ngitian mo ako at kuwentuhan. Muah hugs to you!

Challenge to Alyloony:
Makakagawa ka kaya ng Spiritual genre na may kinalaman sa mga Angels, Heaven at si God? Wala lang. Parang naisip ko lang na baka d'yan ay matulungan mo ang iba na magbalik loob. May ilang mga source ang puwede mong basehan, "The Book of Truth" at si "Maria Divine Mercy". Maraming salamat!





Salamat at congratulations dahil ikaw ay ang 3rd MDMK 2017 featured writer! Sana ay patuloy ka sa pagsusulat at maging down-to-earth and God-fearing na person. God bless you, Aly!











MDMK- "The Life of Alexandrea Amanda Majah"

4th MDMK Installed Book
Desubikyo's "The Life of Alexandrea Amanda Majah"
Desubikyo's "The Life of Alexandrea Amanda Majah"


Nirebyu ni: Lady Atlas
Date: March 1, 2017
Status ng istorya: Hanging one shot. Maaari pang baguhin at tapusin.
Genre: Romance/Slices of Life/General Fiction/Life Clichè
Interesting subjects: Half blooded Filipino, Foreign, Teacher, Math, Relationship Goals, Time, Exes
Last Chapter: 1
Summary:
Isang Math Teacher si Alex sa Sen High. Para sa kanya, ang buhay niya ay umiikot lamang rito. Hindi siya mahilig na makipagkuwentuhan at makipaglapit sa ibang tao, hanggang sa nakilala niya si Jason na isang bagong salta na guro sa eskuwelahan.
Naging malapit siya rito. Nagbago ang pananaw niya sa buhay. Nahulog siya at masasabi niyang "the feeling is mutual". Isa lang sila sa mga tipikal na couple, nag-aaway at nagbabati. Pero paano kapag naibigay na niya ang lahat ay saka pa maglalaho ito na parang bula?
@Desubikyo: Hello! Huwag kang mag-alala, ang summary na ito ay hanggang dito lang sa rebyu na ito. Salamat!
Mga Tauhan:
The Miss Uniquely Typical Character: Alexandrea Amanda Majah
Maganda siya. Kaso hindi masyadong nabigyan ng justice ni Author. Matangkad at may dugong Indian. Isa siyang Math Teacher. May pagka-loner at ayaw na ayaw na iniistorbo kapag kumakain. Independent siya, isang quality na sobra kong naibigan. Kaso nagpapakatanga sa pag-ibig.
The New Hunk Teacher: Jason Terence Agosti
Guwapo. Nakalagay sa cellphone ni Alex ay "Jason Tubig". Napalapit siya kay Alex at nagkagusto. Marami siyang lihim na hindi sinasabi kay Alex at pati ako nagulat.





Ano ang kaabang-abang dito sa istorya ni Desubikyo?
Meron! Sa title pa lang nakuha na agad ang atensyon ko. At dahil maikli lamang siya dahil nga "one shot" ito ay hindi ko po sasabihin ang mga mahahalagang pangyayari sa istorya.







May mga mali ba sa gawa niya?
Kahit sirang plaka ako kung magsalita ay paulit-ilit ko pa ring sasabihin. Walang perfect.
Unang-una sa lahat, hindi masyadong pulido ang pundasyon ng plot niya. Although makikita mo naman talaga ang itinatakbo ng istorya ay nakaka-disappoint lang na naging tragic siya sa huli. Sobra lang akong nalungkot kasi nag-eexpect ako ng "happy ending". Pero totoo nga sabi sa subject kong "Accounting": Do not assume otherwise stated. Saklap!
Pangalawa, naiintindihan ko na baguhan lang si Desubikyo sa pagsusulat at may mga wrong typos siyang nailagay. Understandable naman siya dahil sa huli ay nanghingi pa siya ng paumanhin sa mga mali niya. Aba'y kay bait na bata!
Pangatlo, hindi masyadong nabigyan ng justice ang karakter ng bida, at since siya ang bida ay dapat lang na pagtuunan ng pansin ni Author ang paglalarawan sa hitsura ng bida, ang lugar at ang nararamdaman ng bawat karakter. Kumbaga sa percentage, mga 45% na lang ang kulang at perfect na siya sa panlasa ng mga mambabasa.








Tungkol sa pabalat:
Maganda naman siya. Pero mas makakabuti kung totoong tao ang imo-model mo dito since real life ito kung titingnan mo. At saka, ilagay mo ang iyong pangalan sa book cover. Be proud that you are the Author of the story! Sayang ito kung mababalewala mo lang.






Message to @Desubikyo:
Huwag ka tumigil sa pagsusulat. Tapusin mo ang thought ng iyong istorya para iwas iyon sa batikos at para ma-satisfy ang iyong mga mambabasa. Palagi kang magbasa ng mga tapusang nobela na edited na para hindi mo magaya ang kalimitang kamalian ng ibang mga manunulat na wala masyadong pakialam sa mga errors. Kaya mo iyan! Kung may mga katanungan ka ay handa akong magbigay sa iyo ng payo.






Challenge to Desubikyo:
I-edit mo itong gawa mo at kapag nag-improve ka ay maaari kong i-revise ang review na ito at ilagay ang mga pagbabago na mga natutuhan mo. Ineengganyo kitang tapusin ito at i-impress kaming lahat!






Salamat at congratulations dahil ikaw ay ang 4th MDMK 2017 featured writer! Sana ay nakatulong ang rebyu na ito sa iyong pag-unlad bilang isang baguhang manunulat! God bless!